Kritikal ang isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia matapos umanong mahulog sa ikaapat na palapag ng isang gusali sa Jeddah, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Nagkalasug-lasog daw ang katawan ng OFW na si Janet Calayag na nagtatrabaho bilang on-call cleaner. Basag daw ang kaniyang bungo at kinakailangan siyang putulan ng binti.

ADVERTISEMENT

Duda naman ang kaanak ni Janet na aksidente ang nangyari. Ayon sa ilang saksi, itinulak umano ang OFW ng katrabahong guwardiya na isang Arabo.

Bago ang insidente, nagpahiwatig daw si Janet na gusto na niyang umalis sa kaniyang trabaho dahil binabawasan siya ng sweldo. Hindi raw ito nagustuhan ng Arabo.

Nananawagan ng tulong sa pamahalaan ang pamilya ni Janet. --KBK, GMA News