Inihayag ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr. na may dalawang Filipino na nasawi sa COVID-19 sa India.

Ayon kay Bagatsing, noong Abril 19 natuklasan na positibo sa virus ang dalawang Pinoy, at pumanaw sila pagkaraan ng tatlong araw.

Nahaharap ngayon sa krisis ang India dahil sa napakaraming kaso ng COVID-19.

ADVERTISEMENT

Napupuno na ng mga pasyente ang kanilang mga ospital at nagkakaubusan na rin ng oxygen.

“It is really bad here. May dalawang nasawi [na Pilipino]. We learned they were positive in April 23 then April 26, wala na. It happened very fast. Traydor itong virus na ito. They call it double mutant strain," pahayag ni Bagatsing sa Laging Handa briefing nitong Martes.

“They (dalawang Pinoy na nasawi) are of managerial level (ang work). I cannot give further details to give due respect to the family,” paliwanag ng embahador.

Sinabi pa ni Bagatsing na mayroon pang 20 Pinoy na nagpositibo sa COVID-19.

“They are confined, isolated,” anang opisyal.

“We are doing everything we can to help them given the situation,” pagtiyak ni Bagatsing. — FRJ, GMA News