Pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Libya ang Filipino community doon tungkol sa ipinatupad ng curfew ng pamahalaan ng Libya dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sa resolusyon, nagpatupad ng Libyan government ng curfew na 6 p.m. hanggang 6 a.m. na magsisimula sa July 27 at tatagal ng dalawang linggo.

Apektado ng curfew ang mga munisipalidad na kabilang ang nasa central region, at Greater Tripoli. Gayundin sa West Coast, at Western Mountains.

ADVERTISEMENT

"The curfew will continue after the expiry of the specified period, unless a decision is issued to extend, amend, or cancel it," ayon sa resolusyon.

 

 

Ipinagbabawal ang commercial activities, at sarado ang mga cafés, restaurants, clubs, parks, at gardens.

"Activities of or related to sovereign entities, security and health sector, pharmacies, cleaning works, electricity, and energy, communications, and freights are excluded from the curfew," ayon sa kautusan.

Una rito, nangamba ang UNICEF sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Libya matapos maitala ang 6,061 na mga bagong kaso noong July 18,  ang pinakamataas sa bansa magmula nang magsimula ang pandemya.— FRJ, GMA News