Inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na tumataas na ang bilang ng ipinapadalang overseas Filipino workers (OFWs) sa iba't ibang bansa ngayong 2021.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, nasa 70,000 per month na ang deployment ng OFWs sa kabila pa rin ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Sa nasabing bilang, 30,000 sa mga ito ang land-based at 40,000 naman ang sea-based.
"From a drop of 74% last year, our deployment is picking up monthly," ani Olalia sa Laging Handa briefing nitong Martes.
Mataas umano ang pangangailangan sa mga health worker ng United Kingdom, Germany, at ilang bansa sa Middle East.
"As for sea-based, they are deployed in cargo, transport and petroleum vessels, and they are also in demand," dagdag ng opisyal.
Ina rito, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na umaabot na sa 1.4 milyong Pinoy ang na-repatriate sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic mula noong March 2020.
Sa nasabing bilang, 1.1 milyon ay mga OFW. —FRJ, GMA News

