Dumating na sa Pilipinas ang mga labi ng abogadong si John Albert "Jal" Laylo, na binaril at napatay habang nagbabakasyon sa Philadelphia, USA.

Sa tweet ni Mao dela Cruz ng Super Radyo dzBB, sinabing lumapag ang eroplanong kinalulunanan ng mga labi ni Laylo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Miyerkules.

 

ADVERTISEMENT

 

Nangyari ang insidente noong June 19 (Manila time) habang nasa sasakyan si Laylo kasama ang kaniyang ina na si Leah. Isinugod siya sa ospital at binawian ng buhay noong June 20.

Nagtamo rin ng minor injuries ang kaniyang ina.

Road rage o random shooting ang posibleng motibo sa krimen, ayon sa pulisya ng Philadelphia.

Sinabi naman ni New York Consul General Elmer Cato na posibleng kaso ng mistaken identity ang nangyari. — FRJ, GMA News