Dinala sa ospital ang isang turistang Pinay matapos siyang mahagip ng tren sa Shifen na sikat na pasyalan sa Taiwan.
Sa isang pahayag ni Manila Economic Cultural Office (MECO) chairperson Cheloy Garafil nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente sa Shifen Sky Lantern Old Street.
Mag-isa lang umanong bumibiyahe ang Pinay na hindi pinangalanan pero sumama siya sa isang tour sa bahagi ng kaniyang pamamasyal.
“Na-inform na din kaanak niya. She's stable and conscious but needs to undergo surgery because of her injuries,” ani Garafil.
Nakikipag-ugnayan umano ang MECO sa travel agency ng Pinay na sasagot sa gastusin nito sa ospital sa pamamagitan ng insurance. —FRJ, GMA Integrated News