Iniulat ng Philippine Embassy sa Yangon [Myanmar]  at Thailand na walang Pinoy casualties sa naganap na malakas na lindol nitong Biyernes.

Masusing sinusubaybayan ng embahada ng Pilipinas sa Yangon ang epekto ng lindol, na sa ngayon ay sinasabing walang nadisgrasyang Pinoy na tinatayang nasa 811 na rehistradong naninirahan at nagtatrabaho sa Myanmar.

BASAHIN: Malakas na lindol, tumama sa central Myanmar; yanig, umabot sa Thailand

Inihayag naman ng Philippine Embassy sa Thailand na, "As of this time, there have been no reports of Filipinos harmed or affected by the earthquake."

"The Embassy advises Filipinos in Thailand to remain calm and vigilant, as well as monitor updates from credible and verifiable sources of information," dagdag nito.

Sa Laos, iniulat din ng Philippine Embassy na wala ring Pinoy na naapektuhan doon pero pinapayuhannilang manatiling mapagmasid kaugnay sa nangyaring lindol.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), may lakas na 7.7 magnitude at lalim na 10 km (6.2 miles) ang naganap na lindol. Sinundan ito ng malakas na aftershock.

Ang sentro ng lindol ay nasa 17.2 km mula sa lungsod ng Mandalay, Myanmar na may populasyon na 1.5 milyon.

Maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Yangon sa pamamagitan ng Assistance-to-Nationals (ATN) hotline (+95 998 521 0991) o sa official Philippine Embassy in Myanmar Facebook Messenger.

Ang Philippine Embassy sa Thailand, maaaring makontak sa Assistance-to-Nationals (ATN) hotline (+66 81 989 7116) o email bangkok.pe@dfa.gov.ph.

Ang hotline naman para sa Laos ay +850 20 5553 5878 o through the Facebook page www.facebook.com/PHinLaoPDR. — mula sa ulat ni Michaela del Callar/FRJ, GMA Integrated News