Pinabulaanan ng Department of Education ang kumakalat na mga social media post na suspendido ang mga klase tuwing Huwebes at Biyernes.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ng DepEd na hindi ito totoo, at nagpaalala sa publiko na maging mapanuri sa mga impormasyon na nakikita sa social media o online.
Dagdag din ng DepEd, huwag i-follow ang mga social media page na nagpapakalat ng fake news at i-report ito sa kinauukulan.
Magtungo lamang sa official social media pages ng DepEd para sa tama at opisyal na anunsyo tungkol sa basic education. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
