Wala nang buhay nang matagpuan ang isang mag-asawa sa kanilang bahay sa Mauban, Quezon. Ang mga biktima, pinaniniwalaang pinagnakawan.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing ang kasambahay ang nakakita sa bangkay ng mga biktima sa loob ng bahay.

Lumabas sa imbestigasyon na nawawala ang ilan gamit ng mga biktima, kabilang ang cellphone at wallet.

Sa tulong ng isang saksi, nadakip ang itinuturong suspek, kung saan nabawi ang isang singsing na pagmamay-ari ng isa sa mga biktima.

Narekober din ang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit niya sa krimen.

Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.—Jamil Santos/FRJ GMA News