Nasawi ang isang apat na buwang gulang na sanggol na babae matapos siyang ihagis umano ng tatay niyang lasing at mainit ang ulo sa Silay City, Negros Occidental.

ADVERTISEMENT

Sa ulat ni James Agustin sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing namatay ang sanggol dahil sa sugat sa ulo nang tumama ito sa haligi ng bahay at nahulog pa sa sahig.

Kinilala ang amang suspek na si Marjohn Cusay, na umuwi na lasing umano at galit dahil kulang ang ibinayad sa kawayan na kaniyang idini-deliver, ayon sa pulisya.

Sinabing napag-initan ni Cusay ang sanggol na umiiyak noon kaya inihagis niya ito sa kinakasama.

Umamin ang ama sa krimen at humihingi ng tawad sa pamilya. — Jamil Santos/MDM, GMA News