Dalawang bangkay ng mga lalaki, na hinihinalang biktima ang summary execution, ang natagpuan sa gilid ng kalsada maaga nitong Miyerkoles ng umaga sa bayan ng Sariaya, Qeuzon.
Sa ulat ni GMA News stringer Peewee Bacuño sa "Dobol B sa News TV," natagpuan ang mga bangkay sa gilid ng Eco-Tourism Road sa Barangay Talaan Aplaya, Sariaya dakong alas-siete ng umaga.
May mga tama ng bala sa katawan ang mga biktima at nakabaot ng plastic ang mga ulo nito, ayon sa ulat.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng mga biktima, at iniimbestigahan na ng PNP Quezon ang insidente. —LBG, GMA News
