Sugatan ang pito sa 11 na sakay ng isang pampasaherong van nang sumalpok ito sa barrier ng National Highway sa Padre Burgos, Quezon pasado ala-siete ng  umaga nitong Linggo.

Galing sa Lucena City ang van at patungo na sana sa Catanauan, Quezon nang magpagewang-gewang ito at tuluyang sumalpok sa barrier.

ADVERTISEMENT

 

Peewee Bacuño
Wasak na wasak ang unang bahagi ng van at bahagya pa itong nahulog sa gilid ng highway. Nasira rin ang bakal na barrier sa rindi ng pagsalpok.

Naabutan ng GMA News ang ilan sa mga sugatan na lumalabas ng van at ang iba naman ay nakaupo na sa gilid ng highway.

Isinugod sa pagamutan ang dalawa sa pitong sugatan dahil sa tindi ng mga sugat.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Padre Burgos Pulis sa dahilan ng aksidente. —LBG, GMA News