Inamin ng 14-anyos na babae sa San Fernando, Camarines Sur na napatay niya ang tatlong taong gulang na kapatid nang takpan niya raw ng basang damit ang mukha ng paslit hanggang sa mawalan ng hininga.
Ayon sa ulat ni Bam Algere sa "Unang Balita" nitong Huwebes, ipinaliwananag ng suspek ang insidente sa kanyang ina. Sabi niya tinakpan niya ng basang damit ang mukha ng kapatid dahil naingayan siya rito.
Sa ngayon, hinihintay pa ng mga pulis ang plano ng mga magulang sa kanilang 14-anyos na anak na sinasabing may problema umano sa pag-iisip.
Samantala, nagbigay naman ng tulong ang lokal na pamahalaan para maipalibing ang 3-anyos na biktima. —Joviland Rita/LBG, GMA News
