Isang gasolinahan ang hinoldap ng nag-iisang rider sa Sibonga, Cebu. May security guard naman ang establisimyemto pero tulog.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Linggo ng gabi, nahuli-cam ang pagdating ng salarin na sakay ng motorsiklo at nagpakarga pa ng gasolina.
Matapos nito, naglabas na ng baril ang lalaki at pilit na kinuha ang kita ng gasolinahan na nasa bag ng empleyado.
Pumalag pa ang empleyado sa sinula na ibigay ang pera at tumitingin sa kanilang sekyu na nasa labas pero tulog sa upuan.
Kaagad na umalis ang salarin matapos makuha ang kita ng gasolinahan na umaabot daw sa P3,000.
Wala pang impormasyon kung ano ang gagawin ng pamunuan ng gasolinahan sa kanilang sekyu na tulog.--FRJ, GMA news
