Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing natagpuang nakahubad at may mga sugat sa ulo ang dalagita nang madiskubre ang kaniyang katawan.
Nakatakda pang sumailalim sa mga pagsusuri ang bangkay, kasama na ang lip tint ng biktima na nakita sa lugar.
May dalawang persons of interest nang nasa kustodiya ng pulisya. Isa sa kanila ang kinilala ng saksi na kasama umano ng biktima nitong Miyerkoles.
Suot niya umano noon ang kaparehong jersey na nakita sa crime scene.
Ang isa pang person of interest, may mga sugat din na hindi niya maipaliwanag kung saan nagmula.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News
