Isang miyembro ng LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender and queer/questioning)community sa Iloilo City na naaresto kamakailan dahil sa droga ang nananawagan na ilipat siya ng selda, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

ADVERTISEMENT

Apela ng suspek na si Mark Joseph Parreño na huwag siyang isama sa kulungan ng mga lalaki dahil baka maabuso lamang siya.

Inaresto si Parreño sa isang buy-bust operation kung saan ilang pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa kanya. —KBK, GMA News