Tila mixed martial arts ang naging sagupaan ng dalawang bading sa kalye sa Ocampo, Camarines Sur, ayon sa ulat ng Unang Hirit nitong Lunes.

Sa kuha ng CCTV, makikitang tila may inaabangan ang isang grupo ng mga bading sa kalsada. Maya-maya pa, isang bading ang dumating.

Nagsimula ang suntukan matapos salubungin ng isa sa grupo ang dumating na bading. Pumorma pa na animo'y magbo-boxing ang sumalubong.

Nauwi sa suntukan at sabunutan ang salubong hanggang sa umawa't na ang ibang kasamahan nila.

Sa tindi ng away ay nasira ang damit ng sumugod na bading, samantalang ang kaaway niya ay nang-asar pa, dahilan upang magkaroon ng "round two" ang sagupaan.

Natapos lamang ang sagupaan nang tumakbo papalayo ang sumugod na bading.

Hindi naman malinaw kung ano ang pinagsimulan ng away. —KBK, GMA News