Tinangay ang isang bagong silang na sanggol mula sa isang birthing clinic sa Gingoog City, Misamis Oriental, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.
Nakunan pa ng CCTV ang salarin na nagmamadaling tumakas kasama ang bata noong madaling araw ng Linggo.
Tiyempo raw na walang security guard nang mangyari ang insidente.
Naglabas na ng artist's sketch ng suspek ang mga otoridad.
May P15,000 pabuya ang lokal na pamahalaan para mahuli ang salarin. —KBK, GMA News
