Isang construction worker sa Sual, Pangasinan ang inaresto matapos umanong gahasain ang isang walong-buwang gulang na baboy, ayon sa pulisya.

Kinilala ang suspek na si Rommel Marimla, 21.

Inaresto si Marimla matapos siyang ireklamo ni Jomar Austria, 41.

Nalaman daw ni Austria na nagahasa ang baboy nang mapansin niyang namamaga at dumudugo ang maselang bahagi ng katawan nito noong Setyembre 13 sa loob ng kulungan nito.

Nahaharap ngayon si Marimla sa reklamong paglabas sa Republic Act No. 8485 o Violation of Animal Welfare Act. Nakatakda rin siyang sampahan ng reklamong grave scandal.  —Anna Felicia  Bajo/KBK, GMA News