Habang rumeresponde sa isang vehicular accident ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Office (MDRRMO) ng Sariaya, Quezon ay pinasok ng kawatang magnanakaw ang kanilang tanggapan nitong Linggo ng 5:02 a.m.

Natangay ng kawatan ang apat na cellphone kasama ang ginagamit na hotline ng opisina.

Kitang kita sa CCTV ang mabilis na paggalaw ng isang nakabihis-babae na may mahabang buhok na napag-alamang isang bakla.

Hindi naman kinuha ng kawatan ang ibang gamit sa tanggapan.

Naireport na sa Sariaya Municipal Police Station ang pangyayari at kasalukuyan nang hinahanap ang kawatan.

Ayon sa MDRRMO ng Sariaya, hindi na available ang hotline na 0919-9112792.

"In Case of Emergency Maaari nyo po kaming tawagan sa numerong 0925-881-2792," saad nito sa Facebook post. —KG, GMA News