Sa tulong ng isang aso, natagpuan ang bangkay ng isang batang babaeng 5-taong gulang sa San Fernando, Camarines Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.
Huling nakitang buhay ang biktima nang pumasok sa eskuwelahan.
Nang hindi siya umuwi ay nagtulong-tulong ang mahigit 100 residente sa paghahanap sa kanya.
Natunton ang labi niya ng isang aso.
Inaalam pa kung ano ang ikinamatay ng biktima.
Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang mga magulang ng bata. —KBK, GMA News
