Hindi bababa sa anim na bahay ang nasira matapos hagupitin ng malakas na hangin sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, pasado 4 p.m. noong Lunes nang umihip ang malakas na hangin. Dahil gawa sa light materials at may kalumaan na rin ang bahay, nasira ang mga ito.

Ang ilan tinangay ang mga bubong. Meron ding tumumba na nang tuluyan.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa nangyari.

Agad na nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan. —KBK, GMA News