Tatlo ang sugatan, kabilang ang driver ng isang SUV, na nang-araro ng dalawang bahay sa gilid ng highway sa Kidapawan City, Cotabato bago nahulog sa creek.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Martes, sinabing nagkayupi-yupi ang SUV na patungo umano sa sentro ng Kidapawan bago mangyari ang aksidente.

Ayon sa driver ng SUV, nawalan siya ng kontrol sa sasakyan kaya niya nabangga ang dalawang bahay at tuluyang nahulog sa creek.

Dinala sa ospital ang mag-asawang nakatira sa isa sa dalawang bahay.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. --FRJ, GMA News