Nag-resign na ang gurong nagpanood ng porn sa kanyang mga estudyante sa Ajuy, Iloilo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Kinumpirma 'yan sa meeting ng Pili National High School at Department of Education.

Sa pulong, inamin ng guro na pinanood niya nga ng porn ang mga Grade 10 student bilang bahagi ng sex education.

Bukas naman daw ang DepEd-Iloilo sa iba't ibang istilo ng pagtuturo pero dapat alam ito ng paaralan.

Hindi na iimbestigahan ang insidente dahil nag-resign naman na ang guro. —KBK, GMA News