Nakuryente ang isang binatilyong namimitas ng mangga sa Maydolong, Eastern Samar, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

ADVERTISEMENT

Dead on the spot si John Francis Borja.

Nakarinig daw ng malakas na pagsabog ang mga residente hanggang nakita na lang nilang nakasabit sa puno si Borja.

Nasagi raw ng biktima ang linya ng kuryente habang sinusungkit ang mangga gamit ang kawayan.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad para kuhanin ang bangkay. —KBK, GMA News