Patay ang isang ginang matapos barilin ng kanyang kinakasama sa Calamba, Laguna, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Biyernes.
Habang nag-iinuman ang dalawa, nabisto ng guwardyang si Ernesto Laurino na may ibang ka-text si Aileen Diocares.
Si Diocares, dali-dali namang binura ang palitan nila ng mensahe ng ka-text.
Nagdilim ang paningin ni Laurino at binaril ang kinakasama.
Nahaharap sa reklamong homicide si Laurino.
Nag-sorry siya sa kaanak ng biktima. —KBK, GMA News
