Natagpuan ang kalansay ng isang babae sa septic tank sa Zamboanga del Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.
Isang construction worker ang nakakita sa hiwa-hiwalay na kalansay.
Kinilala ang biktima na si Janine Basco na isang financial analyst ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Noong Hunyo 2018 pa naiulat na nawawala si Basco.
Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pagpatay sa kaniya pero hinala nila ay may kinalaman ito sa kanyang trabaho. —KBK, GMA News
