Na-infect na rin COVID-19 ang ina ng sanggol na namatay kamakailan dahil sa naturang sakit sa Lipa, Batangas, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Magugunitang April 5 nang pumanaw ang sanggol na 23 araw pa lamang dahil sa covid-19.

Dahil dito, sumailalim din sa COVID-19 test ang pamilya ng sanggol. Nagnegatibo ang ama at iba pang kaanak, pero positibo naman ang ina.

Nagtataka naman ang ama ng sanggol kung bakit hindi siya nagpositibo sa COVID-19 samantalang sa bisig niya namatay ang kanyang anak. --KBK, GMA News