Isang lalaking may sintomas ng COVID-19 at naharang sa checkpoint sa Cotabato City ang nagpositibo sa naturang sakit, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

ADVERTISEMENT

Dahil sa ipinakikitang sintomas, ipinag-utos daw na dalhin sa isang isolation facility ang lalaki.

Pero matapos ang ilang araw, inilipat ang lalaki sa Cotabato Provincial Hospital dahil mataas pa rin ang kaniyang lagnat. Kinunan siya ng swab specimen at kalauna'y nagpositibo nga siya sa COVID-19.

Isinailalim na ang pamilya at mga nakasalamuha ng pasyente sa 14-day quarantine. —KBK, GMA News