Patay sa pamamaril ang isang lalaki sa Pagadian City nitong nakaraang Sabado, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

ADVERTISEMENT

Kinilala ang biktima na si Cesar Pentado, na pinagbabaril habang papalabas ng isang restaurant at makorner sa isang bakanteng lote.

Nakuhanan naman sa Facebook Live ang pagtakas ng salarin sakay ng motorsiklo.

Naka-asul na sweatshirt, may face mask at nakasumbrero ang suspek.

Lumalabas daw sa imbestigasyon na matindi ang galit ng suspek at determinado itong patayin ang biktima. --KBK, GMA News