Ginahasa at iniwang patay ang isang babaeng nagtatrabaho sa isang KTV bar sa Naval, Biliran, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Natagpuang duguan sa labas ng warehouse ng isang courier company ang biktimang si Michelle Flores.

Ayon sa mga pulis na nakapanood ng CCTV footage ng insidente, nakipagtalo ang biktima sa isang lalaki nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ilang beses daw hinampas ng suspek ang ulo ng babae sa sahig at hinalay bago iwan.

Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng salarin. --KBK, GMA News