Patay sa pamamaril ang isang babaeng negosyante sa Dumaguete City, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Rowena Bangkat na dead on the spot matapos pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin.

Angkas sa motorsiklo si Bangkat ng kaniyang asawa nang buntutan ng mga salarin.

Ang akala nung una ng asawa ng biktima ay pumutok na gulong ang narinig niya. Yun pala, binaril na ang kaniyang asawa sa ulo at batok hanggang sa malaglag na ito sa motorsiklo.

Ayon sa pulisya, tatlo ang suspek bagama't hindi pa nila alam ang pagkakakilanlan ng mga ito at motibo sa pamamaril. --KBK, GMA News