Agaw-pansin sa Kidapawan City ang isang kalabaw na kulay orange.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, albino raw ang kalabaw at kulay puti nung pinanganak.

Ayon sa magsasakang may-ari nito, habang tumatanda raw ang kalabaw ay unti-unting nagbabago ang kulay hanggang sa maging orange. --KBK, GMA News