Laking gulat ng mga construction worker sa isang ginagawang kanal sa Barangay Telaje sa Tandag City, Surigao del Sur nang may mahukay silang plastik na may laman na bukos ng mga pera.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinasabing hindi lang isang beses nakakuha ng bugkos ng pera na old denomination o pinabawi na ng Bangko Sentral ng Pilipinas na may tig-P20 hanggang tig-P1,000.

Ang  mga "lumang pera," tinatayang umaabot ang kabuuang halaga sa kalahating milyon. Pero puwede pa kayang gastusin ang mga ito at puwede pa kayang palitan ng BSP? Panoorin ang video.


--FRJ, GMA News