Sa tuwing lumalabas at pumapasok ang mga residente sa Barangay Nazareth sa Osmeña, Zamboanga Del Norte, literal na buwis-buhay ang kanilang ginagawa dahil kailangang tumawid ng ilog ang sinasakyan nilang bus.

At kamakailan lang, nangyari ang kinatatakutan ng mga pasahero nang biglang lumakas ang agos sa ilog habang tumatawid ang sinasakyan nilang bus kaya tumagilid ang sasakyan at unti-unting nilalamon ng tubig.

Dahil hindi na makadaan sa pintuan ang mga tao upang makalabas ng bus bago ito tuluyang lumubog sa tubig, nagpasya silang sa bintana na dumaan at isinakripisyo na ang kanilang mga dala-dalang gamit pati na ang pinamiling paninda.

Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" at alamin kung nakaligtas ang lahat ng mga pasahero, at ang kanilang panawagan sa pamahalaan na malagyan na sana ng tulay ang kanilang lugar para hindi na mamiligro ang kanilang buhay.

--FRJ, GMA News