Isang tindero ng balut sa Quezon City ang patay matapos pagbabarilin, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes.

Kalalaya lang daw sa kulungan ng biktimang si Gilbert Paala dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga nang siya ay barilin nitong Lunes ng gabi.

Tatlong putok ng baril ang narinig ng mga residente, dahilan para sila ay magtakbuhan palayo.

Tatlong lalaki raw na sakay ng mga motorsiklo ang salarin, ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya. Bagama't maraming tao sa lugar ay hindi naplakahan ang mga motorsiklo.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa krimen. —KBK, GMA News