Patay ang isang mag-ama sa Moises Padilla sa Negros Occidental matapos anurin sa ilog ang sinasakyan nilang tricycle, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

ADVERTISEMENT

Pauwi na raw ang mag-ama mula sa isang birthday party nang subukan nilnag tawirin ang umaapaw na ilog.

Bukod sa mag-ama, may tatlo pang sakay ang tricyle kung saan isa ang nakaligtas at dalawa ang nawawala.

Samantala, dahil din sa walang tigil na pag-ulan ay nagka-landslide sa Calatrava, Romblon. Isang malaking bato raw ang humambalang sa kalsada pero wala namang nasaktan. —KBK, GMA News