Kumpara sa mga karaniwang daga, higit na malaki ang mga dagang "Paroot" na sa gubat naninirahan. Kaya naman laking gulat ng isang pamilya sa Tanay, Rizal nang makita nila sa kisame ng kanilang bahay ang pambihirang daga--hindi lang isa kung hindi dalawa pa.

Nang puntahan ni Doc Nielsen ng "Born To Be Wild" ang mga dagang Parooot, natuklasan nila na mag-asawa ang dalawang daga, at sa kasamaang palad at namatay ang kanilang anak.

ADVERTISEMENT

Posible umanong nanggaling ang mga dagang-gubat sa mga puno na nakadikit na sa mga bahay kaya nakapasok sila sa kisame at doon nanirahan.

Aalamin ni Doc Nielsen ang kalagayan ng kalusugan ng mga daga kung maaari na silang ibalik kaagad sa gubat. Pero bago nila ito magawa, isa pang Paroot ang nakita sa isa pang bahay. Mabuti na lang at hindi sila pinapatay ng mga nakakakita sa kanila.

Panoorin ang video at alamin ang kaibahan ng mga Paroot sa mga karaniwang daga.
--FRJ, GMA News