Dead on the spot ang isang akusado sa droga matapos pagbabarilin sa Barangay Apopong sa General Santos City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Nagtamo ng tama sa ulo ang biktimang si Nino Soria Abalos, na kagagaling lang sa hearing para sa kaniyang kaso ng barilin.

Tinutugis na ang saralin na sakay ng motorsiklo.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima. —KBK, GMA News