Napatay sa engkuwentro ang hepe ng pulisya ng Carmen, Cotabato, na nanguna sa pagtugis sa armadong grupo na nasangkot sa pamamaril sa isang dayuhan.

Kinilala ni Police Colonel Henry Villar, provincial police director, ang nasawing opisyal na si Police Major Joan Resurreccion.

"It was an unfortunate day for us law enforcers," ayon kay Villar. "We are still conducting hot pursuit operation."

Pinangunahan umano ni Resurreccion ang hot-pursuit operation laban sa mga suspek na namaril sa isang dayuhan sa Barangay Poblacion dakong 10 a.m.

Nang makarating sila sa Brgy. Tawantawan, doon na sila pinaputukan ng mga suspek at tinamaan si Resurreccion, at naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Patuloy umano tinutugis ng mga awtoridad ang armadong grupo.--FRJ, GMA News