Anim na bilanggo ang nakatakas mula sa Tabaco District Jail sa Albay, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Kinilala ang mga pugante na sina Eric Barrameda, Kevin Braga, Rodney Cagod, Alfonso Seneta, Benjamin Reyes Jr. at Glenn Beldejina.

Ayon sa mga pulis, dumaan ang anim sa likod ng kulungan gamit ang scaffolding na naiwan habang inaayos ang gusali. —KBK, GMA News