Patay ang isang lolo sa Bien Unido, Bohol matapos umanong pagbabarilin ng isang lasing na sundalo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, nakikipagkuwentuhan ang biktimang si Leopoldo Sanigan, 70 anyos, nang bigla na lang daw lumapit ang suspek na noo'y lasing daw na si Corporal Raymond Casiple.

Nagkaroon daw ng pagtatalo ang dalawa dahil akala ni Casiple ay siya ang pinag-uusapan. Bigla na lang daw binaril ni Casiple ang biktima.

Agad namang sumuko si Casiple at nasa kustodiya na ng pulisya. —KBK, GMA News