Isa ang patay at isa ang sugatan sa panambang sa alkalde ng Pitogo, Zamboanga del Sur.

Iniulat ng "Unang Hirit" nitong Biyernes na ligtas si Mayor James Yecyec, nugnit napatay sa insidente ang isa sa dalawa niyang civilian escorts, at sugatan at nagpapagaling na sa ospital ang isa pa.

Sa inisyal na ulat ng mga pulis, nagmomotor umano pauwi ang alkalde galing sa isang birthday celebration kasama ang dalawang escourts nang tamgbangan sila ng dalawang armadong suspects.

Hindi naman nagtamo ng sugat si Mayor Yecyec sa insidente.

Iniimbestighahan na ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pananambang. —LBG, GMA News