ALTAVAS, Aklan —Nasunog ang isang gusali ng Altavas National School madaling-araw nitong Huwebes, ayon sa Bureau of Fire Protection

Maaari umanong umabot sa P15 million ang halaga ng pinsala ng property, batay sa pagtataya ng BFP.

ADVERTISEMENT

Isinalaysay ng mga nakasaksi na nagsimula ang apoy sa PEHM Building dakong 4:45 ng madaling-araw.

Naapula ang sunog makaraan ang ilang oras. Wala namang naiulat na nasugtan sa insidente.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa posibleng pinagmulan ng apoy. —LBG, GMA News