Nadiskubre ng mga awtoridad ang isang plantasyon ng marijuana sa pagitan ng Benguet at Ilocos Sur.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes na binunot at sinunog ng mga pulis ang mahigit 6,000 pananim na marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon.

Ayon sa mga pulis, pahirapan ang pagpunta sa lugar dahil matarik ito.

Posible umanong sinadya na doon ilagay ang plantasyon upang hindi madaling mapasok.

Walang nahuli na planters ang mga awtoridad. —LBG, GMA News