Inilagay sa lockdown ang isang gusali at compound sa Zamboanga City kung saan umano nagdaos ng party ang ilang residente sa kabila ng banta ng COVID-19, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Mayor Beng Climaco, hindi nasunod sa nasabing party ang social distancing at pagsusuot ng face masks kaya kumalat ang COVID-19 sa mga kaanak at ilang bisita.

Samantala, sarado hanggang September 20 ang rural heath unit (RHU) ng Coron, Palawan matapos magpositibo sa COVID-19 ang apat na empleyado nito.

Sa kabila nito, maaari pa ring magpakonsulta sa RHU opisina sa pamamagitan ng telepono.

Nakatakda namang i-swab test ang lahat ng empleyado ng RHU. —KBK, GMA News