Patay sa pamamaril ang isang barangay captain sa  bayan ng Tanza sa Cavite, ayon sa mga awtoridad.

Kinilala sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes ang biktima na si Angelito Centeno, barangay kapitan ng Calibuyo, Tanza.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga pulis na sa loob mismo ng barangay outpost pinagbabril ang biktima, sa harap ng mga kasamahan nito.

Dead on arrival sa ospital si Centeno.

Samatala, tumakas ang suspek matapos ang pamamaril, sakay ng nahihitay na motorsiklo.

Ngunit, naaresto ang suspek sa isang checkpoint dahil tumugma umano sa kanya ang paglalarawan ng mga nakasaksi sa pamamaril.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa krimen. —LBG, GMA News