PANDAN, Antique —Isang 10-anyos na batang babae ang nakapagtala ng record na 17.3 meters na diving sa kalagitnaan ng karagatan ng Pandan Bay.

Ayon sa mga coach nito, ang batang si Aleah Kirsten Alojipan ay kasalukuyang tinuturuan ng recreational scuba diving course.

Limang divers ang kasalukuyang nagtuturo kay Alojipan ng diving matapos sila mawalan ng trabaho sa isla ng Boracay dahil sa COVID 19 pandemic.

Nagislbi daw training ground ng batang si Alojipan sa kaniyang training ang Pandan Bay dahil bukod sa kakaibang ganda nito ay may isang bundok rin eto sa ilalim ng dagat.

Naniniwala ang mga diver na si Alojipan ang pinakabatang babae sa Pilipinas  na nakapag dive ng 17.3 meters ang lalim sa dolphin dive category.

Ang 17.5 meters na lalim umano ay kasingtaas na ng limang palapag na gusali o dalawang poste ng kuryente na pinagpatong. —LBG, GMA News