Natagpuan ng mga awtoridad ang katawan ng isang lalaki sa loob ng kotse dahil na rin sa mga patak ng kanyang sariling dugo mula sa sasakyan.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules na ang katawan ang biktimang kinilalang si Dennis Silva ay inilagay sa koob ng kotseng nakaparada sa Barangay Lawa sa Calamba City noong Martes.

Itinimbre umano sa mga pulis ang kotse na may mga pumapatak na dugo. Ayon sa mga awtoridad, may sugat sa ulo ang biktima, nakabusal ito, at may tali ang mga kamay.

Batay na rin sa kanyang ID, napag-alamang si Silva ay residente ng Sta. Rosa, Laguna at nagta-trabaho sa bayan ng San Pedro.

Iniimbestigahan na ang krimen at ang motibo sa pamamaslang. —LBG, GMA News