Ibabalik sa modified enhanced community  quarantine (MECQ) ang Tuguegarao City simula sa ika-3 ng Oktubre, at tatagal ito ng 14 na araw dahil sa biglang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Iniulat ng Unang Balita nitong Biyernes na nagkaroon ng local transmission sa 19 na barangay ng lungsod.

ADVERTISEMENT

Sa ilalim ng MECQ, mahigpit na ipatutupad ang liquor ban at curfew, limitado ang pagbili ng essential goods and services, at ang paglabas sa bahay ng mga residente.

Suspendido rin ng public transport, at hihigpitan ang social gatherings. —LBG, GMA News